Inisyal na obserbasyon ng UN special rapporteur, ibinahagi sa DFA

Bumisita rin sa Department of Foreign Affairs (DFA) si United Nations Special Rapporteur on Freedom of Opinion and Expression Irene Khan.

Ayon sa DFA, ibinahagi ni Khan sa mga opisyal ng kagawaran ang inisyal na obserbasyon nito sa pagtungo niya sa bansa para alamin ang kalagayan ng kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas.

Ito ay tulad na lang ng potensyal para sa pagbuo ng higit na tiwala sa pagitan ng civil society groups at ng gobyerno sa isyu ng karapatang pantao.

Sinang-ayunan naman ng DFA ang kahalagahan ng dayalogo sa pagitan ng human rights stakeholders kasama na ang pamahalaan.

Ayon pa sa DFA, binanggit ni Khan na ang kaniyang pagpunta sa Pilipinas ay kumikilala sa “mature media landscape” ng bansa.

Umaasa naman ang Presidential Human Rights Committee Secretariat (PHRCS) na magiging kumpleto ang gagawing report ni Khan sa international community ukol sa freedom of expression sa bansa.

Ayon kay PHRCS Executive Director Severo Catura, sa mga nakaraan ay hindi nabibigyan ng pagkakataon ang panig ng gobyerno na maibahagi ang mga ginagawa nito para matugunan ang isyu ng human rights.

Mawawalan aniya ng saysay ang report ng special rapporteur kung wala ito sa konteksto at hindi naman nailahad ang lahat ng mga pangyayari.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *