Gobyerno ng Spain maglalaan ng €250,000 para sa judicial cooperation sa SC ng Pilipinas
Paiigtingan pa ang kooperasyon sa pagitan ng hudikatura ng Pilipinas at Spain.
Sa pagbisita ng Korte Suprema ng Pilipinas sa Spanish Supreme Court sa Malaga, Spain, sinabi ni Spanish Ambassador to the Philippines Miguel Ultray Delgado na maglalaan ang pamahalaan ng Espanya ng €250,000 para sa judicial cooperation ng dalawang bansa.
Ang pondo ay ilalaan sa Capacity Building on Legal and Social Advancement (CALESA) Erasmus + Project.
Ang grant ay mula sa Spanish Agency for International Development Cooperation.
Sinabi ng Embahada ng Pilipinas sa Spain na ang bahagi nito ay para ituloy ang mga programa ng CALESA gaya ng pagsasalin ng mga research Spanish legal material sa Ingles.
Umaasa ang dalawang bansa sa mas marami at madalas na pagpapalitan ng mga ideya upang mapagbuti ang judicial system ng parehong Pilipinas at Spain na may shared history at legal traditions.
Moira Encina