House Speaker Martin Romualdez, nagsalita na sa hindi natuloy na LEDAC sa Malakanyang
Nagpaliwanag si House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng hindi natuloy na Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC meeting na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos,Jr. sa Malakanyang.
Sinabi ni Romualdez na walang problema sa panig ng Kongreso dahil lahat ng mga priority measure na hiniling ni PBBM sa 2023 LEDAC meeting at priority bills na inilatag noong nakaraang State of the Nation Address (SONA ) ay natapos na ng Kamara.
Ayon kay Romualdez ang Senado ang may problema dahil sila ay mabagal .
Inihayag ni Romualdez sa halip na makinig sa intriga at marites sa isyu ng Chacha apurahin na lamang ng Senado ang kanilang trabaho para mapagtibay narin ang mga priority bill ng Marcos Jr. Administration na hiniling sa LEDAC at SONA dahil naghihintay na ang taumbayan.
Vic Somintac