“Beekeeper” nanguna sa box office
Nanguna sa North American box office ang Amazon/MGM action picture na “The Beekeeper,” na may tinatayang $7.4 million na kita ayon sa industry watcher na Exhibitor Relations.
Kinatatampukan ito ni Jason Statham bilang beekeeper, isang ex-commando na nais maghiganti sa isang criminal group na ginawang mga scam ay naging sanhi ng pagpapakamatay ng kaniyang kaibigan.
Subalit bahagya lamang na nalampasan ng beekeeper ang nangunang perlikula noong nakaraang weekend, ang “Mean Girls” ng Paramount, na bumagsak sa ikalawang puwesto ay kumita ng tinatayang $7.3 million (Friday-Sunday) period, sa US at Canada.
Sa kabuuan ang domestic earning nito sa loob ng tatlong linggo ay umabot na sa $60.8 million, hindi na masama para sa isang pelikulang ginastusan lamang ng humigit-kumulang $36 million.
Ang “Mean Girls” ay kuwento tungkol sa high school survival, na pinagbibidahan nina Angourie Rice, Renee Rapp, Auli’i Cravalho, Avantika, at Bebe Wood, tampok din dito si Tina Fey, ang writer para sa 2024 “Mean Girls” at 2004 original.
Bagama’t pumangatlo lamang ay nagpakita naman ng kakaibang lakas sa ika-pitong linggo na nito ng pagpapalabas, ang fantasy musical ng Warner Bros. na “Wonka” na kumita ng $5.9 million.
Tampok dito si Timothee Chalamet na gumanap sa papel ng eccentric chocolate maker, kasama sina Olivia Colman at Hugh Grant. Lumampas lamang ng kaunti ang kinita nito sa $550 million sa buong mundo.
Namalagi naman sa pang-apat na puwesto ang “Migration,” isang family-friendly animation mula sa Universal at Illumination tungkol sa misadventures ng isang pamilya ng traveling mallard ducks. Kumita ito ng $5.2 million.
At nasa ika-limang puwesto naman na kumita ng $4.8 million, ang romantic-comedy ng Sony na “Anyone But You,” na kinatatampukan nina Sydney Sweeney at Glen Powell.
Ang domestic earnings nito ay $71.2 million habang ang international earnings naman ay $55 million, kaya ang kabuuan ay umabot sa $126.2 million.