Online sellers, exempted na sa buwis – BIR
Exempted na sa creditable withholding tax ang small-scale online sellers.
Sa anunsyo ni Commissioner Romeo Lumagui Jr. ng Bureau of Internal Revenue, mae-exempt sa creditable withholding tax na 1% ang kalahati ng gross remittances ng E-market place operators at digital financial services providers sa sellers o merchants na naibebenta at nababayaran sa pamamagitan ng kanilang platform facility.
Inatasan na ni Lumagui ang lahat ng tauhan sa BIR na bigyang kaalaman ang mga online seller at online platform hinggil sa kanilang tax obligations.
Please follow and like us: