Project ShieldKids Campaign vs foreign sexual predator, inilunsad ng BI
Inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang kampanya laban sa mga dayuhang sexual predator.
Tinawag nila itong Project ShieldKids Campaign kung saan magtutulungan ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng paglalagay ng isang communication network para sa pag-aresto at imbestigasyon sa mga pedophile at sex trafficker.
Sa pamamagitan nito, mas magiging prayoridad umano ang mga kaso laban sa dayuhang sangkot sa sex trafficking ng mga bata.
Binuksan din ng BI ang kanilang helpline na pwede rin ma-access sa social media.
Ang hakbang ng BI ay kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga dayuhang sex offender na nagtatangkang pumasok sa bansa.
Noong 2023 lamang ay umabot na sa 171 ang kanilang naharang.
Madelyn Villar-Moratillo