Posibleng walang bagyo ngayong Pebrero
Posibleng nasa isa o walang bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong Pebrero dahil sa nagpapatuloy na epekto ng El Niño phenomenon.
Batay sa pagtaya ng Pagasa, kahit may bagyo mang pumasok sa bansa ay hindi ito inaasahang magla-landfall.
Una nang idineklara ng weather bureau na nasa below-average na bilang lamang ng tropical cyclones ang maaaring maranasan ng bansa ngayong taon at ang Metro manila ay makararanas ng taguyot simula sa second quarter ng taon.
Samantala, ngayong araw, Northeast monsoon o Amihan ang nakakaapekto sa Luzon habang ang trough naman ng LPA nakakaapekto sa Mindanao.
Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang nararanasan sa Mindanao, Central visayas, Negros Occidental, at Southern leyte habang mahihinang ulan dulot ng Amihan ang nararanasan sa Aurora, Quezon, at Bicol Region.