Sampung katao pinaniniwalaang namatay sa forest fires sa Chile
Nakikipaglaban ngayon ang mga bumbero sa Chile sa mabilis na kumakalat na wildfires, na pinangangambahan ng mga opisyal na ikinamatay na ng nasa sampung katao at nagbabanta sa daan-daang mga tahanan, na nagbunsod upang magdeklara na ang pangulo ng isang state of emergency.
Nasa labingdalawang mga sunog ang naglalagablab simula pa nitong Biyernes.
Ang mga sunog ay naka-concentrate sa Vina del Mar at Valparaiso tourist regions, kung saan libu-libong ektarya na ng kagubatan ang nilamon ng apoy, naging sanhi upang mabalot ng makapal na usok ang mga siyudad at puwersahang nagpalikas sa mga tao.
Sinabi ni Sofia Gonzales Cortes, state representative para sa central region ng Valparaiso, “We have preliminary information that several people have died, around 10.”
Sa mga bayan ng Estrella at Navidad, sa timog-kanluran ng kapitolyo, halos 30 mga bahay ang tinupok ng apoy, sanhi upang magkaroon ng paglikas malapit sa surfing resort ng Pichilemu.
The blazes are concentrated in the Vina del Mar and Valparaiso tourist regions, where they have ravaged thousands of hectares of forest / Javier TORRES / AFP
Kuwento ng 63-anyos na si Yvonne Guzman, “I’ve never seen anything like it.”
Si Guzman ay lumikas kasama ng matanda na niyang ina, nang magsimula nang lumapit ang apoy sa kanilang bahay, subalit naipit naman sa matinding traffic nang kung ilang oras.
Aniya, “It’s very distressing, because we’ve evacuated the house but we can’t move forward. There are all these people trying to get out and who can’t move.”
Nitong Biyernes ay nagdeklara na si Chilean President Gabriel Boric ng isang state fo emergency dahil sa sakuna, upang magamit ang lahat ng kinakailangang resources sa paglaban sa mga sunog.
Sa kaniyang mensahe sa social media, sinabi ni Boric na idineploy na ang lahat ng puwersa upang labanan ang wildfires.
Nagpulong naman nitong Sabado ng umaga ang emergency services upang i-assess ang sitwasyon.
Ayon sa CONAF, ang Chilean national forest authority, “Around 7,000 hectares have already been burned in Valparaiso alone.”
Tinawag nilang “extreme” ang mga nagaganap na sunog.
The fires have enveloped Valparaiso in a thick mushroom cloud of smoke / Javier TORRES / AFP
Sa mga larawan namang kuha ng mga na-stranded na motorista na nag-viral online, makikita ang apoy sa mga bundok sa dulo ng sikat na “Route 68,” isang kalsadang ginagamit ng libu-libong mga turista para makarating sa mga beach sa Pacific coast.
Nitong Biyernes, ay isinasara na ng mga awtoridad ang nasabing kalsada, na nagdurugtong sa Valparaiso at sa Santiago, kapitolyo ng Chile, dahil sa “low visibility” bunsod ng mga usok.
Ang mga sunog ay dulot ng isang summer heatwave at tagtuyot na nakaaapekto sa katimugang bahagi ng South America na dulot ng El Nino weather phenomenon, habang nagbabala naman ang mga siyentipiko na ang umiinit na Mundo ay nagpapataas sa panganib ng mga natural na sakuna tulad ng matinding init at sunog.
Habang nakikipaglaban ang Chile at Colombia sa tumataas na temperatura, nagbabanta ring tamaan ng heatwave ang Argentina, Paraguay at Brazil sa mga darating na araw.