Foreign minister ng Switzerland bibisita sa bansa sa Pebrero 8
Darating sa bansa sa Pebrero 8 ang Foreign Affairs and Foreign Minister ng Swiss Confederation na si Ignazio Cassis.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), magpupulong sina Cassis at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo para talakayin ang bilateral relations ng dalawang bansa sa nakalipas na 67 taon at ang iba pang global at regional issues.
Inaasahan na haharap din ang Swiss foreign diplomat sa iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan sa isang araw na pagbisita nito sa Pilipinas.
Sinabi ng DFA na ito ang unang pagbisita sa bansa ng foreign minister ng Switzerland mula noong 2008.
Tinatayang 15,000 Pilipino ang naninirahan sa Switzerland kasama ang professionals sa mga sektor ng IT, engineering, medical at allied health sectors.
Moira Encina