Matinding epekto ng El Niño sa mga susunod na buwan
Nagbabala ang PAGASA na maaaring maging matindi pa ang maranasang tagtuyot sa bansa sa pagtatapos ng pebrero dulot ng El Niño Phenomenon.
Batay sa El Niño advisory ng PAGASA, nasa 35 hanggang 50 percent ng populasyon ng bansa ang maaaring makaranas ng below normal rainfall dulot ng El Niño.
Ang kawalan ng ulan ang maaaring magpalala pa sa tagtuyot sa maraming lugar sa bansa ngayong unang quarter ng taon.
Posibleng umabot sa 24 provinces at isang probinsiya sa Visayas ang makaranas ng Meteorological drought conditions.
17 Provinces naman ang posibleng makaranas ng dry spell habang sampung lalawigan ang potensyal para sa dry conditions.
Sa pagtaya pa ng PAGASA, aabot sa 80 percent na bawas sa average rainfall ang maaaring maranasan sa bansa.
Una nang inanunsyo ng weather bureau na asahang titindi ang El Niño simula Marso hanggang Mayo at transition naman sa El Niño Southern Oscillation (ENSO)-neutral conditions mula Abril hanggang Hunyo.