Mahigit 1,400 pulis ipapakalat sa Chinese New year
Nasa mahigit isanlibo at apatnaraang pulis ang ipakakalat sa buong Metro manila para sa pagdiriwang ng Chinese New year.
Mula sa kabuuang 1,457, nasa higit dalawandaan naman ang itatalaga para mangasiwa ng seguridad para sa idaraos na 12-minute fireworks display sa Binondo-Intramuros area sa February 9 habang nasa 400 pulis naman ang itatalaga para sa solidarity parade sa February 10.
Ang nalalabing puwersa ang tatao naman sa mga itinalagang checkpoints simula ngayong araw, February 8.
Magugunitang bukas, Biyernes, February 9 ay idineklarang Special Non-working day ng Malakanyang sa pamamagitan ng Proclamation no. 453.
Habang ang February 10 naman ang deklaradong Special Non-working day sa buong bansa para sa pormal na pagdiriwang ng Chinese New year sa ilalim ng Proclamation no, 368.