Pagpasok ng UN Rapporteur sa Pilipinas , pinaiimbestigahan sa Senado
Ipinasisilip ni Senador Imee Marcos sa Senado ang aniya’y “unwarranted presence” o hindi awtorisadong pagpasok sa bansa ng mga kinatawan ng UN Special Rapporteur at mga imbestigador ng International Criminal Court.
Sa kaniyang Senate Resolution 927, iginiit ni Marcos na ang iligal na pagpasok nila ng bansa ay magdudulot ng banta sa Independence at soberenya ng Pilipinas.
Sinasabing ang mga taga ICC ay nagtungo sa bansa noong Disyembre ng nakaraang taon habang nitong Enero nagtungo sa Pilipinas si UN Special Rapporteur Irene Khan kung saan inirekomenda pa nito ang pagbuwag sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ayon sa Senador ang ganitong aksyon ay pambabastos at panghihimasok sa Independence ng Pilipinas.
Wala aniyang karapatan ang mga dayuhan para gumawa at magpatupad ng sarili nilang mga programa para tutukan ang peace and order sa isang bansa.
Makakasama rin aniya ito sa ginagawang kampanya ng pamahalaan laban sa terrorismo, Armed conflict, illegal drugs at iba pang banta sa seguridad ng taumbayan.
Meanne Corvera