Taiwanese streamers sa Cambodia kulong dahil pineke ang pagdukot sa kanila
Kapwa nasentensiyahan ng dalawang taong pagkakabilanggo ang dalawang lalaking Taiwanese, dahil pineke ng mga ito ang pagkidnap sa kanila mula sa isang seaside resort sa Cambodia, na ipinost pa nila online.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Preah Sihanouk provincial court, na sina Chen Neng-chuan, 31, at Lu Tsu-hsien, 34, ay hinuli makaraan nilang magpost ng isang video ng kanilang sarili sa Facebook na binubugbog at ikinulong ng security guards sa isang gusali sa Sihanoukville.
Ayon sa korte, “Both men had entered Cambodia to produce slanderous videos related to human trafficking, detention with torture, rape and selling human organs. The court found them guilty on charges of ‘incitement to cause chaos to social security’ at a trial on Thursday.”
Ang dalawa ay hinatulan ng korte ng dalawang taong pagkakakulong, at inatasan din silang magbayad ng pinagsamang multa na nasa $2,000.
Sinabi ng provincial government, “The men produced videos with ‘fake content that affects the honour, order, and security’ of the province.”
This handout photo taken and released on February 15, 2024 by the Preah Sihanouk Provincial Administration shows Sihanoukville governor Kuoch Chamroeun (2nd L) pointing at materials that two Taiwanese men allegedly used to stage fake kidnapping videos during a press conference with police in Preah Sihanouk province. Two Taiwanese men have been sentenced to two years in jail each after they staged a fake kidnapping from a Cambodian seaside resort and posted video of it online, a court said on February 16. (Photo by Handout / Preah Sihanouk Provincial Administration / AFP)
Ayo sa Central News Agency (CNA) ng Taiwan, isa sa dalawang lalaki ang nag-live stream noong Lunes ng gabi kung saan sinabi nito na nagawa niyang makapasok sa isang “scam park.”
Sa naturang video, siya ay hinabol at binugbog ng hindi makitang mga attacker, habang sa ikalawang video naman ay makikita ang umano’y pagtakas niya.
Ayon pa sa CNA, sa ikalawang video ay ipinakita ng lalaki ang kaniyang injuries at sinabi rin na siya ay pinagnakawan, itinali, at ginamitan ng stun gun.
Noong Agosto, nagbabala ang United Nations na daan-daang libong tao sa Timog-silangang Asya, ang pinuwersa ng criminal gangs na magsagawa ng mga online scam, na may banta ng torture kung hindi sila susunod.
Ayon sa isang UN report, marami ang naloko para magtrabaho sa online criminality at naharap sa paggawa ng seryosong mga paglabag gaya ng torture o sexual violence.