Nagwewelgang mga doktor sa South Korea pinababalik na sa trabaho
Inatasan ng gobyerno na bumalik na sa trabaho ang trainee doctors, matapos ang maramihan nilang pagre-resign upang i-protesta ang medical training reforms.
Tinitingnan din ng gobyerno na gamitin na ang military medics upang tugunan ang kakulangan ng mga doktor.
Sinabi ng South Korea na isa sila sa may pinakamababang doctor-to-population ratios sa kalipunan ng mauunlad na mga bansa, at mahigpit na isinusulong ng pamahalaan na dagdagan ang bilang ng mga doktor, para makatulong na rin sa mabilis na tumatandang populasyon.
Ngunit ang mga doktor ay nagpahayag ng matinding pagsalungat sa isang bagong plano ng gobyerno na dagdagan ang medical school admissions, sa pagsasabing makaaapekto iyon sa kalidad ng pagkakaloob ng serbisyo.
Sinasabi ng mga kritiko na ang mga doktor ay pangunahing nag-aalala na ang reporma ay maaaring makasira sa kanilang mga suweldo at katayuan sa lipunan.
Medical staff are seen at a university hospital in Gwangju on February 19, 2024. – South Korea ordered trainee doctors back to work on February 19 as they resigned en masse to protest medical training reforms, with the government looking at using military medics to ease shortfalls. (Photo by YONHAP / AFP)
Nitong Lunes, sa kabila ng banta ng gobyerno na mahaharap sila sa legal na aksyon, daan-daang trainee doctors ang nagbitiw at nakatakdang huminto sa pagtatrabaho simula Martes.
Subalit sinabi ni Second Vice Health Minister Park Min-soo, “The government had issued treatment maintenance orders for all trainee doctors,” na ang tinutukoy ay ang isang legal na hakbang upang maiwasan ang paghinto sa trabaho ng medical practitioners.
Sa ilalim ng South Korean medical laws, ang mga doktor na ikinukonsiderang ‘essential workers’ ay pinagbabawalang magsagawa ng mass work stoppages.
Ayon kay Park, “I implore trainee doctors to not turn their backs on patients. The government would be inspecting hospitals to check whether doctors had joined the strike.”
Nagbabala ang mga pulis na maaari nilang arestuhin ang mga “nangunguna” sa work stoppages.
Doctors hold placards that read ‘Opposition to the increase in medical schools’ as they gather to protest against the government’s plan to raise the annual enrollment quota at medical schools by 2000 in Seoul on February 15, 2024. (Photo by ANTHONY WALLACE / AFP)
Ang training reforms ay nananawagan para sa 65 percent increase sa bilang ng mga mag-aaral na i-aadmit sa medical schools, simula sa 2025.
Ang plano ay popular sa publiko, na ayon sa mga eksperto ay pagod na sa mahabang oras ng ipinaghihintay sa mga ospital, kung saan batay sa pinakahuling Korean Gallup poll lumitaw na mahigit sa 75 percent ng respondents ang pabor, anuman ang kanilang political affiliation.
Subalit mahigpit itong tinutulan ng mga doktor, kung saan sinabi ng Korean Medical Association, “the government’s threats of legal action were akin to a ‘witch hunt’ and that the plan would create a ‘Cuban-style socialist’ medical system.”
Paliwanag ni Vice Minister Park, “The plan was necessary in South Korea’s fast-ageing society, with doctors set to be ‘overwhelmed with exponential demand’ down the road if the current quota remained.”
Aniya, “Hospitals are already having hard time finding doctors now, and problems of accessing medical service in time have occurred repeatedly.”
Ayon sa gobyerno, mahigit sa 700 trainee doctors na ang nag-resign.
Sinabi naman ng defence ministry na bubuksan nila sa publiko ang military hospital emergency wards kung itutuloy pa rin ng mga doktor ang welga, at ikinukonsidera rin ang pagpapadala ng military doctors sa civilian hospitals upang tumakip sa kakulangan.