Mga Pinoy sa Lebanon, inabisuhan ng embahada na mag-ingat kasunod ng pag-atake sa Ghazieh, Lebanon
Pinaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut ang mga Pilipino sa Lebanon, na mag-ingat at iwasan ang mga hindi mahalagang pagbiyahe, kasunod ng airstrikes sa Ghazieh na ikinasugat ng 13 katao.
Ayon sa abiso ng embahada, paiba-iba ang lagay ng seguridad sa Lebanon at maaaring lumala ang tensyon na maglalagay sa panganib sa buhay ng mga Pinoy.
Pinayuhan din ng Philippine embassy ang mga Pilipino sa Lebanon, na ayusin at siguraduhing valid ang mga pasaporte at mga dokumento ng pagkakakilanlan, sakaling magkaroon ng emergency evacuation.
Tiniyak ng embahada na binabantayan nila ang sitwasyon at hinimok ang mga Pinoy na makipag-ugnayan sa kanila kung may problema at nangangailangan ng tulong.
Moira Encina