Self-driving taxi service ilulunsad ng Nissan sa Japan sa 2027
Plano ng Nissan na maglunsad ng isang self-driving taxi service sa Japan simula sa April, 2027.
Sinabi ng kompanya na sisimulan nila ang ‘trials’ ng commercial service sa paparating na financial year simula sa Abril, gamit an minivans sa area ng Yokohama, timog ng Tokyo.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Nissan, “Local communities have been facing several mobility challenges, such as driver shortages, which are a result of an ageing population.’
Plano nitong katulungin ang mga lokal na awtoridad at transport operators, sa pagsasabing “we will provide a broad range of new services that enable free movement.”
Malayo ang Japan sa tanging lugar na may autonomous vehicles sa mga kalsada, ngunit itinakda ng pamahalaan nito ang pagpapabilis ng teknolohiya bilang pangunahing priyoridad, dahil nahaharap ito sa mga kakulangan ng mga manggagawa at tumatanda nang populasyon na nangangailangan ng transportasyon.
Mula noong nakaraang taon, pinahintulutan ng mga batas trapiko sa kalsada ang “Level 4” self-driving vehicles na bumiyahe sa mga pampublikong kalsada sa ilang partikular na sitwasyon.
Ayon sa Nissan, “We have been testing business models for self-driving mobility services in Japan and abroad since 2017.”
Noong isang taon, inanunsiyo ng karibal nitong Honda, ng US auto giant na General Motors at ng Cruise, ang autonomous driving unit ng GM, na magsasagawa ito ng isang joint venture na siyang magpapasimula sa isang driverless ride service sa Japan sa mga unang bahagi ng 2026.
Ang Toyota ay napaulat na nagpapalno ring maglunsad ng isang Level 4 ride service sa loob ng limitadong lugar sa Tokyo sa huling bahagi ng taong ito.