Pilipinas at Australia lumagda ng kasunduan sa maritime cooperation, cyber security at trade
Tatlong kasunduan na naglalayong paghusayin ang kooperasyon at interoperability sa maritime domain, cyber at critical technology, at competition law ang nilagdaan pagdalaw ni Pangulong Bongbong Marcos sa Australia.
Sa isang pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), binanggit dito na sinabi ng Pangulo, na ang mga kasunduan ay “karagdagan sa mahigit 120 mga kasunduan” na nilagdaan ng dalawang bansa “sa nagdaang mga dekada” sa iba’t ibang larangan, kabilang ang defense cooperation, air services, education, research, scientific at cultural cooperation.
Ayon sa PCO, “On the maritime domain, the Philippines is keen to enhance cooperation in order to strengthen the civil military cooperation, promote international law and rules-based international order, safeguard the marine environment and cultural heritage, enhance defense engagements, and establish avenues for dialogue among relevant agencies of the Philippines and Australia.”
Sinabi pa ng PCO, “The Philippines was also looking forward to sharing information and best practices with Australia in terms of cyber and critical technology, conducting capacity building, promoting a secured digital economy, and achieving greater understanding of the application of international law norms in cyberspace.”
Samantala, ang kasunduan sa pagtutulungan sa epektibong pagpapatupad ng kani-kanilang mga batas at patakaran sa kompetisyon ng Pilipinas at Australia ay “isa sa mga praktikal na paraan ng dalawang bansa upang palakasin ang ugnayang pang-ekonomiya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga pinakamahusay na kasanayan at pagsasagawa ng capacity building sa mga bagay na kinasasangkutan ng merger regulations, competition laws, at investigative techniques na may kaugnayan sa pagpapatupad ng competition laws,” ayon pa sa PCO.
Noong Setyembre ng nakaraang taon, sa pagbisita ni Punong Ministro Anthony Albanese sa Pilipinas, nilagdaan din ng Pilipinas at Australia ang “Joint Declaration on Strategic Partnership”; Memorandum of Understanding (MOU) sa isang Work and Holiday Arrangement; at ang MOU sa pagsusulong ng Kooperasyon sa National Soil Health Strategy.
Si Pangulong Marcos ay bumisita sa Australia mula Feb. 28 hanggang 29.