Ilang Kongresista pinamamadali sa DOE ang paglalabas ng posisyon sa paggamit ng Nuclear Energy
Masyado na umanong napag- iiwanan ang Pilipinas ng mga kapitbahay na bansa sa Asya dahil sa patuloy na kawalang aksyon para sa paggamit ng nuclear energy sa bansa.
Sa Kapihan sa Manila Bay News Forum, kinalampag ni Pangasinan Congressman Mark Cojuangco, chairman ng House Special Committee on Nuclear Energy, ang Department of Energy na magbigay ng malinaw na posisyon.
Pangamba ni Cojuangco pinatatagal lang ng DOE ang ginagawa nitong pag-aaral.
Sa mga nangangamba sa epekto ng nuclear energy iginiit ng mambabatas na mas mapanganib pa nga ang kasalukuyang ginagamit na enerhiya mula sa coal.
Ayon sa DOE pinag-aaralan pa nila kung pwede pang buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant.
Ayon kay Cojuangco, bukod sa BNPP ilan sa magandang lugar na pwedeng pagtayuan ng nuclear power plant ay sa Mindoro, Isabela, Pangasinan, Negros Occidental , Saranggani o Palawan
Pero giit ng Kongresista kung ayaw ng iba sa BNPP sayang naman ang higit 100 milyong piso na nagastos rito.
Madelyn Villar – Moratillo