50 pamilya nasunugan sa Tondo, Maynila
Aabot sa limampung pamilya ang naapektuhan ng sunog sa Tondo, Maynila kagabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang sunog sa residential area sa Capulong Road 10 kung saan umaabot sa tatlumpung istruktura ang natupok ng apoy.
Tinatayang nasa 750 thousand ang napinsalang ari-arian.
Walang namatay sa insidente ngunit isang sibilyan ang nasugatan na nakaranas ng hirap sa paghinga at agad namang nabigyan ng atensyong medikal.
Ayon pa sa BFP, nahirapan silang apulahin ang apoy dahil sa maliit na eskinita.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog pasado alas-ocho ng gabi dahil pawang yari sa light materials ang nasunog.
Naideklara itong fire-out pasado alas-nueve na ng gabi.
Samantala, nakiusap si Barangay 107 Chairman Sheryl Gonzales sa school principal ng Amado V. Hernandez Elementary school upang tulungan silang ma-accomodate ang mga nasunugan.
Pansamantalang nananatili sa barangay court ang mga nasunugan ngunit maliit lamang ang lugar para sa dami ng naapektuhan.
Jim Tejano