Fishing Shelter and Port Act ,poprotekta sa kabuhayan ng mga mangingisdang pinoy
Kaugnay ng Executive Order 57 na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang Maritime Security ng bansa sa gitna ng pambubully ng China sa West Philippine Sea.
Inihain ni Agri partylist representative Wilbert Lee ang House bill 9011 o Fishing Shelter and Port Act para protektahan ang kabuhayan ng mga mangingisdang pinoy sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sa ilalim ng panukalang batas inaatasan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR katuwang ang Department of Agriculture (DA) at Department of National Defense ( DND) para pagtatayuan ng pantalan at fishing shelters sa west philippine sea at sa Philippine Rise sa South China Sea.
Ayon sa mambabatas kailangang maglagay ang Pilipinas ng pantalan at fishing shelters sa mga isla ng Lawak, Kota, Likas, Pag-asa,Parola, Panatag, Rizal Reef at Ayungin Shoal na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas na pilit na inaagaw ng China.
Vic Somintac