DOH , hindi irerekomenda ang Blended Learning sa DepEd
Hindi irerekomenda ng Department of Health sa Department of Education at Local Government Units ang blended learning sa mga pribado at pampublikong eskwelahan ngayong matindi ang init ng panahon.
Sa kabila yan ng panganib sa kalusugan dahil sa matinding init tulad ng Heat stroke.
Paliwanag ni Health Secretary Ted Herbosa, hindi magkakapareho ang structure ng mga eskwelahan sa buong bansa at nakadepende pa rin ito sa environment ng mga eskwelahan.
Marami naman aniyang magagawang remedyo para solusyunan ang matinding init ng hindi nagsasakripisyo ang pag- aaral ng mga kabataan .
Kabilang na rito ang pagsusuot ng mga estudyante at guro ng mga kumportable at maluluwag na damit at madalas na pag inom ng tubig.
Samantala pinayuhan ni Herbosa ang publiko lalo na ang mga me medical condition na umiwas sa matinding init, laging uminom ng tubig at kung hindi maiiwasan na lumabas ng bahay, laging magdala ng payong.
Meanne Corvera