Senior Iraqi jihadist leader patay sa suicide bombing sa Syria
Isang prominenteng Iraqi jihadist leader sa hilagang-kanlurang bahagi ng Syria na hawak ng mga rebelde ang namatay sa isang suicide bombing, ayon sa grupong kaniyang kinabibilangan at sa isang war monitor.
Sinabi ng dating Al-Qaeda affiliate na Hayat Tahrir al-Sham (HTS), na namuno sa huling pangunahing balwarte ng mga rebelde sa Syria, “Abu Maria al-Qahtani was martyred after a treacherous attack by an Islamic State group member using an explosive belt.”
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights war monitor, “Qahtani, whose real name is Maysar Ali Musa Abdallah al-Juburi, ‘was killed and two of his companions seriously injured’ after a suicide bomber blew himself up.”
Ang Observatory, na may isang network ng sources sa Syria, ay hindi na nagbigay ng karagdagang mga detalye tungkol sa pagkakakilanlan ng suicide bomber.
Wala ring grupo na umaangkin pa ng responsibilidad sa pagpatay kay Qahtani.
Si Qahtani ay isa sa pinakamakapangyarihang jihadist ng HTS, at isa sa nagtatag sa dating front ng grupo na Al-Nusra.
Ang HTS ang namuno sa halos kalahati ng Idlib province at ilang bahagi ng katabi nitong Hama, Aleppo at Latakia.
Si Qahtani ay nasa ilalim na ng United States sanctions simula noong 2012, kung saan inakusahan siya ng treasury ng pagtungo sa Syria noong 2011 upang isalin ang idelohiya ng al-Qaeda, bago ginampanan ang mga pangunahing papel sa al-Nusra Front.
Ayon sa monitor, napatay siya makaraang lumaya mula sa isang HTS prison, kung saan pitong buwan na siyang nakakulong dahil sa mga akusasyon ng pakikipag-ugnayan sa isang partido ng kaaway.
Noong March 7, pinalaya ng HTS si Qahtani, kung saan napawalang-sala siya sa lahat ng mga akusasyon.
Ang Syria ay 13 taon nang nililigalig ng digmaan na ikinamatay na ng mahigit sa kalahating milyong katao, at nagtulak sa milyon upang lumikas.