Kazakhstan at Russia dumaranas ng matinding pagbaha
Patuloy na tumataas ang water levels sa umapaw na mga ilog sa maraming lugar sa Russia at Kazakhstan na tinamaan na ng matinding mga pagbaha, habang naghahanda naman ang mga lungsod para sa bagong ‘peak’ sa southern Urals at western Siberia.
Kapwa tinawag ng Astana at Moscow ang mga pagbaha na “pinakamalala” sa nakalipas na mga dekada, sanhi upang magdeklara ng isang state of emergency habang tinatabunan ng tubig ang mga lungsod at mga nayon.
Mahigit sa 90,000 katao na ang inilikas mula sa tumataas na tubig, karamihan ay sa Kazakhstan.
Sinabi ng Kremlin, “The situation remains ‘difficult’ in large parts of Russia but President Vladimir Putin has so far no plans to visit the zone.”
Ayon naman sa gobyerno ng Kazakhstan, “Since the beginning of the floods, more than 86,000 people have been rescued and evacuated.”
Sinabi pa nito na 8,472 ng mga lumikas ay nasa mga temporary housing, at ang iba ay pinaniniwalaang nasa ligtas nang mga lugar sa komunidad.
Dagdag pa ng Kazakhstan, 81,000 mga hayop din ang kanilang nailigtas at lima sa 17 rehiyon nito ang naapektuhan, kung saan may humigit-kumulang anim na ilog ang mabilis na tumataas.
A picture taken on April 8, 2024 shows rescuers evacuating residents from the flooded part of the city of Orsk, Russia’s Orenburg region, southeast of the southern tip of the Ural Mountains. – Russia said on April 8, 2024 that more than 10,000 residential buildings were flooded across the Urals, Volga area and western Siberia as emergency services evacuated cities threatened by rising rivers. On April 7, Russia declared a federal emergency in the Orenburg region, where the Ural river flooded much of the city of Orsk and is now reaching dangerous levels in the main city of Orenburg. Much of the city of Orsk has been flooded after torrential rain burst a nearby dam. (Photo by Anatoliy Zhdanov / Kommersant Photo / AFP) / Russia OUT / RUSSIA OUT
Ayon sa Russia, mahigit sa 6,500 katao na ang karamihan ay mula sa Orenburg region ang kanilang nailikas.
Mabilis ang pagtaas ng Ural at Tobol river, na nagbabanta sa regional hub ng Orenburg at sa western Siberian city ng Kurgan.
Ang Orenburg region ang pinakamatinding tinamaan sa mga lugar sa Russia, at binaha na ng Ural river ang halos kabuuan ng siyudad ng Orsk.
Ang Orenburg na isang siyudad na may 550,000 katao at malapit sa Kazakh border, ay naghahanda na para sa peak ng baha na inaasahang mararanasan ngayong Miyerkoles.
Babala ng kanilang alkalde na si Sergei Salmin, “The flooding would be unprecedented.”
Sinabi ng mga awtoridad na ang ilog ay siyam na metro na ang lalim sa Orenburg, 30 sentimetro na lamang sa kaniyang “critical” levels.
Nagbabala rin sila na magpapatupad ng force evacuations sa Orenburg, kung tututol ang mga residente sa kusang paglikas.
Nitong Martes ay nagtungo si Russian Emergency Situations Minister Alexander Kurenkov sa Orenburg region. Inilathala ng kaniyang tanggapan ang mga larawan niya habang nasa himpapawid sa mga lugar na naapektuhan, na nagpapakita ng malawak na baha at nalubog na mga nayon.
Nakatakda rin siyang bumisita sa Kurgan at Tyumen regions sa Siberia, na ang mga ilog ay umaapaw na rin.
Sa Kurgan, isang lungsod malapit sa Kazakhstan, sinabi ng mga awtoridad na 689 katao ang inilikas palayo sa umaapaw nang Tobol river.
Ayon sa mayoral office sa Kurgan, isang siyudad na may humigit-kumulang 300,000 katao, ang mga pagbaha ay maaaring umabot pa sa lokal na paliparan.
An aerial picture taken on April 8, 2024 shows the flooded part of the city of Orsk, Russia’s Orenburg region, southeast of the southern tip of the Ural Mountains. – Russia said on April 8, 2024 that more than 10,000 residential buildings were flooded across the Urals, Volga area and western Siberia as emergency services evacuated cities threatened by rising rivers. On April 7, Russia declared a federal emergency in the Orenburg region, where the Ural river flooded much of the city of Orsk and is now reaching dangerous levels in the main city of Orenburg. Much of the city of Orsk has been flooded after torrential rain burst a nearby dam. (Photo by Anatoliy Zhdanov / Kommersant Photo / AFP)
Sa nayon ng Zverinogolovsk sa Kurgan region, ang water level ng Tobol river ay umabot na sa 74 sentimetro sa loob lamang ng dalawang oras, ayon sa ulat ng Russian media.
Sinabi naman ng Kremlin na si Putin ay walang planong magpunta sa flood zones ngunit binigyang-diin na ang pagbaha “ay nasa sentro ng atensiyon ng pangulo.”
Ayon sa tagapagsalita ni Putin na si Dmitry Peskov, “Putin is not physically there but he is constantly in this topic. He works on these topics the whole day. At the moment there is no plan for a trip to the region.”
Samantala, sumiklab ang maliit at hindi karaniwang mga protesta sa binahang Orsk nitong Lunes, kaugnay ng pagtugon ng gobyerno sa sakuna, kung saan ilan sa mga residente ang nanawagan kay Putin na tumulong sa mga kompensasyon.
Binatikos naman ng exiled opposition ng Russia ang opisyal na tugon at ang desisyon ni Putin na huwag bisitahin ang mga apektahong lugar.
Sinabi ng balo ng namayapa nang opposition leader na si Alexei Navalny na si Yulia Navalnaya, “He doesn’t even come to the place of the tragedy.”