F2F classes sa Maynila bukas, sinuspinde ni Mayor Lacuna
Sinuspinde ni Manila Mayor Honey Lacuna ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa lungsod bukas.
Sa abiso ng Manila LGU, ito ay dahil sa inaasahang aabot sa 43°C ang heat index sa lungsod bukas, Abril 24.
Pinayuhan naman ang mga paaralan na magpatupad ng asynchronous classes.
Madz Villar-Muratillo
Please follow and like us: