Muling pagbubukas ng mga klase ipinagpaliban ng Kenya dahil sa mga pagbaha
Ipinagpaliban ng Kenya ng isang linggo pa ang reopening ng mga eskuwelahan dahil sa nagpapatuloy na malakas na mga pag-ulan, na nagdulot na ng matinding mga pagbaha.
Nitong Lunes ang orihinal na schedule ng muling pagbubukas ng klase kasunod ng mid-term holidays, ngunit naapektuhan ng malakas na mga pag-ulan ang maraming educational facilities sanhi upang ipagpaliban ng education ministry ang pagpapatuloy ng mga klase.
Sinabi ni Education Minister Ezekiel Machogu, “The devastating effects of the rains in some of the schools is so severe that it will be imprudent to risk the lives of learners and staff before water-tight measures are put in place to ensure adequate safety.”
Dagdag pa niya, “Based on this assessment, the Ministry of Education has resolved to postpone the reopening of all primary and secondary schools by one week, to Monday, May 6, 2024.’
Pitompu’t anim na katao na ang namatay sa Kenya simula noong Marso, dahil sa mas malalakas kaysa karaniwang mga pag-ulan ang tumama sa East Africa, dulot na rin ng El Nino weather pattern.
Lumubog ang mga kalsada at mga bahay dahil sa flash floods, na nagresulta upang ma-displace ang mahigit sa 130,000 katao mula sa 24,000 mga tahanan, marami sa mga ito ay mula sa Nairobi na kabisera ng Kenya batay sa government figures na inilabas noong Sabado.
Ayon kay Belio Kipsang, principal secretary for education, “Sixty-four public schools in Nairobi — nearly a third of the total number — have been “substantially affected” by the flooding.”
Sa kanilang post sa X, sinabi ng Kenya Red Cross na sa silangang Kenya ay isang bangka na may lulang malaking bilang ng mga tao, ang tumaob sa binahang Tana River county, 23 sa mga sakay ang nailigtas.
Nagdulot din ng kapinsalaan ang malalakas na ulan sa magkabilang panig ng kapitbahay na bansa ng Kenya, ang Tanzania, kung saan hindi bababa sa 155 katao ang namatay sa baha at landslides.
Sa Burundi, na isa sa pinakamahirap na bansa sa mundo, humigit-kumulang sa 96,000 katao ang na-displace dahil sa ilang buwan nang walang tigil na mga pag-ulan.
Maging ang Uganda ay dumanas din ng malakas na mga bagyo na nagdulot ng pag-apaw ng mga ilog, kung saan dalawa ang kumpirmadong namatay at ilang daang villagers ang nawalan ng tirahan.
Noong isang taon, mahigit sa 300 katao ang namatay sa mga pag-ulan at pagbaha sa Kenya, Somalia at Ethiopia, habang nagsisikap pa lamang na makabawi mula sa naranasang pinakamalalang tagtuyot sa nakalipas na apat na dekada, sanhi upang magutom ang milyun-milyong katao.
Ang El Nino ay isang “naturally occurring climate pattern” na tipikal na may kasamang pinatinding init na nagbubunga ng tagtuyot sa ilang bahagi ng mundo at grabeng pag-ulan naman sa iba pa.