Mount Ruang sa Indonesia muling sumabog
Muling sumabog ng ilang ulit ngayong Martes ang Mount Ruang sa Indonesia, sanhi para magpatupad ng sapilitang paglilikas, pagsasara sa isang kalapit na International airport at paglalagay ng alerto sa pinakamataas.
Nagbabala ang mga awtoridad na ang banta mula sa bulkan ay hindi pa tapos makaraan iyong pumutok nang higit sa anim na beses ngayong Abril, na naging sanhi ng paglikas ng mahigit sa anim na libong katao.
Sinabi ng volcanology agency, na ang Ruang, na nasa outermost region ng North Sulawesi province sa Indonesia, ay pumutok bandang ala-1:15 ng madaling araw (local time) noong Lunes at dalawang beses ngayong Martes ng umaga.
Ang bulkan ay nagbuga ng tore ng abo na higit sa limang kilometro sa kalangitan.
Muli ring ipinatupad ng ahensiya ang isang six-kilometer (3.7-mile) exclusion zone at sinabing dapat bantayan ng mga residente ang posibilidad na pagbuga ng bulkan ng “incandescent rocks,” maiinit na ulap at mga tsunami dahil sa mahuhulog na eruption materials sa dagat.
Mahigit sa 800 katao ang naninirahan sa Ruang, na lahat ay inilikas na ngayong buwan.
May ilan na bumalik sa kanilang tahanan nang matapos na ang emergency response status.
Hindi pa malinaw kung ilang mga residente ang nagsibalikan at kung ilan ang muling sapilitang inilikas.
Ayon sa isang notice mula sa state-run air traffic control provider na AirNav Indonesia, ang muling pagputok ng Ruang ay nagtulak din sa mga awtoridad na muling isara ang Sam Ratulangi international airport sa provincial capital ng Manado, mahigit 100 kilometro ang layo, dahil sa volcanic ash.