Pinakamainit na temperatura sa Bangladesh naitala ngayong Abril
Sinabi ng weather bureau ng Bangladesh, na ang Abril ang pinakamainit na Abril na naitala, at patuloy pang nakararanas ng “suffocating heatwave” ang malaking bahagi ng rehiyon.
Natuklasan sa malawak na scientific research na ang climate change ang sanhi upang ang heatwaves ay mas maging matagal, mas madalas at mas matindi.
Dahil sa labis na init noong nakaraang buwan, kaya’t isinara ng Bangladesh government ang mga eskuwelahan sa buong bansa, at manatili muna sa bahay ang tinatayang 32 milyong mga estudyante.
Sinabi ni Bangladesh Meteorological Department senior forecaster Muhammad Abul Kalam Mallik, “This year the heatwave covered around 80 percent of the country. We’ve not seen such unbroken and expansive heatwaves before.”
Aniya, “Last month was the hottest April in Bangladesh since records began in 1948 ‘in terms of hot days and area coverage’ in the country.”
Dagdag pa niya, ang weather stations sa paligid ng Bangladesh ay nakapagtala ng mga temperatura sa pagitan ng 2-8 degrees na mas mataas kaysa 33.2 degrees Celsius (91.8 degrees Fahrenheit) na average daily temperature para sa Abril sa pagitan ng 1981 at 2010.
A rickshaw puller rests amid severe heatwave in the Bangladeshi capital Dhaka / MUNIR UZ ZAMAN / AFP
Ayon sa tagapagsalita ng health department na si Selim Raihan, “The government had confirmed at least 11 heat stroke-related deaths in the past 10 days.”
Ang mga pag-ulan ay inaasahang magdadala ng kaunting ginhawa sa Bangladesh mula Huwebes, pagkatapos ng isang linggong napakainit na temperatura, kung saan ang kabisera ng Dhaka ay ilang araw na nakapagtala ng 40C (104F).
Sinabi pa ni Mallik, “The severity of the heat had been worsened by the absence of the usual pre-monsoon April thunderstorms which normally cool the South Asian nation ahead of summer.”
Aniya, “Bangladesh gets an average of 130.2 millimetres of rain in April. But this April we got an average of one millimetre of rain.”
Ayon kay Mallik, tinitingnan ng bureau ang data upang makumpirma kung ngayong taon ang maitatalang may pinakamababang bagsak ng ulan para sa Abril.
Ang mga eskuwelahan sa Bangladesh ay mananatiling sarado hanggang sa Linggo.
Nitong nagdaang Sabado at Linggo ay ipinag-utos ng gobyerno na muli nang buksan ang mga silid-aralan, ngunit inatasan sila ng isang mataas na korte sa Bangladesh na muling magsara noong Lunes, matapos ikonsidera ang mga ulat na ilang mga guro na ang namatay dahil sa heatwave.
Malaking bahagi ng Timog at Timog Silangang Asya ang nakararanas ng nakapapasong init mula Myanmar hanggang sa Pilipinas, na lalo pang pinaiinit ng El Nino phenomenon.
Sa forecast ng weather bureaus sa Cambodia, Myanmar, Vietnam at India, ang temperatura ay aabot ng higit sa 40C (104F).
Ang mga buwan bago ang monsoon o rainy season sa rehiyon ay karaniwan nang mainit, ngunit ang temperatura sa taong ito ay higit sa karaniwan sa maraming bansa.
Ayon sa World Meteorological Organization, na isang ahensiya ng United Nations, “Asia is also warming faster than the global average.”