Mga eskuwelahan at mga opisina sa UAE, nagsara dahil sa malakas na mga pag-ulan
Maraming mga paaralan at opisina ang nagsara sa magkabilang panig ng United Arab Emirates (UAE), dahil sa muling pananalasa ng malalakas na mga pag-ulan, dalawang linggo makaraan din silang makaranas ng malalakas na mga apg-ulan na iniu-ugnay ng mga eksperto sa climate change.
Isang lightning storm na may kasamang malakas na hangin ang humampas sa nakaraang magdamag, at mahigit sa 50 millimetres (two inches) ng ulan ang bumagsak sa ilang mga lugar, ayon sa National Center of Meteorology.
May namataan ding mga pagbaha sa ilang bahagi ng Dubai na financial hub ng UAE, at nagkansela rin ng 13 flights at nag-divert naman ng lima ang pinaka-abalang international passenger airline sa buong mundo.
Kapwa nagbabala ang state-owned, Dubai-based Emirates at sister airline nito na FlyDubai ng flight delays, habang ang mag eskuwelahan ay lumipat muna sa remote learning at nagsara naman ang public-sector offices.
May mga sasakyang inabandona sa mga kalsadang binaha malapit sa Ibn Battuta mall.
Ang mga trak na nagbobomba ng tubig ay naka-istasyon sa ilang lugar na binaha, dahil ang drainage ng Dubai ay madalas na hindi makayanan ang malalakas at malawak na mga pag-ulan.