Palestinian journalists sa Gaza, pinarangalan ng UNESCO ng world press freedom prize
Ginawaran ng UNESCO ng world press freedom prize ang lahat ng Palestinian journalists na nagko-cover ng digmaan sa Gaza.
Sinabi ni Mauricio Weibel, chair ng international jury ng media professionals, “In these times of darkness and hopelessness, we wish to share a strong message of solidarity and recognition to those Palestinian journalists who are covering this crisis in such dramatic circumstances. As humanity, we have a huge debt to their courage and commitment to freedom of expression.”
Sabi naman ni Audrey Azoulay, director general sa UN organisation for education, science and culture, “The prize paid ‘tribute to the courage of journalists’ facing difficult and dangerous circumstances.”
Ayon sa New York-based Committee to Protect Journalists (CPJ), hindi bababa sa 97 mga miyembro ng media ang namatay simula nang mag-umpisa ang giyera noong Oktubre, 92 sa mga ito ay Palestinians.
Nagsimula ang giyera sa sorpresang pag-atake ng Hamas sa Israel noong October 7, na nagresulta sa pagkamatay ng 1,170 katao na karamihan ay mga sibilyan.
Sa pagtaya ng Israel, 129 sa mga binihag ng mga militante nang sila ay umatake ay namamalagi pa rin sa Gaza. Ayon sa militar, 34 sa mga ito ay patay na.
Ang opensiba naman ng Israel bilang ganti sa Hamas ay ikinamatay na ng hindi bababa sa 34,596 katao sa Gaza, na karamihan ay mga babae at bata, ayon sa Hamas-run health ministry.