Senador Imee, tutol sa panukalang amyendahan ang Rice Tariffication law
Imposible umanong lumusot sa Senado ang panukalang amyenda ng Kamara sa Rice Tariffication Law.
Ayon kay Senador Imee Marcos, kahit siya ay tutol sa panukala lalo na sa amyenda na ibalik ang kapangyarihan na umangkat at magbenta ng bigas.
Iginiit ni Marcos na sa ilalim ng batas, inalis ang kapangyarihan ng NFA dahil sa halip na bumaba tumaas pa ang presyo ng bigas.
Kwestyonable rin ayon sa Senador ang kredebilidad ng NFA matapos madiskubre na ang kanilang mga biniling bigas sa lokal na magsasaka, sa halip na ibenta sa mga local government units, ibinenta sa mga trader.
Iginiit naman ni Marcos na dapat palawigin ang Rice Tariffication law hanggang 2031 para tiyak na may ayuda para sa mga magsasaka.
Kung aangkat ng bigas sa halip na NFA, dapat gawin itong government to government para hindi na dumadaan sa middleman dahil sa ganitong paraan ay bababa ang presyo ng bigas.
Meanne Corvera