Magtataas ang singil sa kuryente
Magtataas ng singil sa kuryente ang Meralco ngayong Mayo.
Batay sa preliminary computation hindi naman hihigit sa piso kada kilo watt hour ang itataas sa May 2024 billing kaya hindi ito utay-utay na ipapataw sa consumers.
Sinabi ni Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga na bukas, Mayo diyes, ia-anunsyo ang aktwal na increase.
Bukod sa Meralco, hihirit din ng dagdag na singil sa kuryente ang ilang kooperatiba, lalo na ang may malaking exposure sa spot market dahil sa mas nararamdaman nila ang mataas na presyo sa panahon nt Yellow at Red alerts sa mga grids noong Abril.
Ayon kay AKELCO General Manager Ariel Gepty limang piso ang inaasahang itataas nila sa singil sa kuryente batay sa preliminary data,
Sinabi ng Energy Regulatory Commission o ERC na hindi pangkaraniwan ang sitwasyon ngayong taon dahil sa matinding tag-init kaya’t mas mataas ang demand na higit pa sa inaasahang peak demand para sa buong summer season.
Inamin din ng Department of Energy noong nakaraang linggo na pumalo na rin sa crisis level ang power situation sa bansa.