Pagbabalik ng Pilipinas sa ICC pag-aaralan
Pag -aaralan ng Senate Committee on Rules ang posibilidad na pagbabalik ng Pilipinas sa International Criminal Court .
Ayon kay Senate Majority Leader at Committee on Rules Chairman Senador Joel Villanueva, kokonsultahin niya ang mga kasamahan at mga eksperto hinggil dito .
Aniya kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute, o sa kasunduang bumuo ng ICC, nang walang concurrence o pagsang – ayon ng Senado.
Kaya naman pag-aaralan aniya nila kung kakailanganin pa ng concurrence ng Senado kung muling sasali sa ICC.
Matatandaang kinakailangang dumaan at sumang ayon ang Senado sa international treaties na pinapasok ng Pilipinas.
Una nang binahagi ng DOJ na naghahanda sila ng briefer para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng sinasabing posibilidad na sumali muli ang Pilipinas sa ICC at ang pros and cons nito.
Meanne Corvera