Japan iprinotesta ang pagbiyahe ng isang South Korean politician sa pinagtatalunang isla
Naghain ng pormal na protesta ang Japan kaugnay ng pagbiyahe ng isang lider ng partido ng oposisyon ng South Korea sa mga pinagtatalunang isla, na nag-udyok sa matagal nang ‘territorial spat’ bago ang inaasahang tatlong araw na summit sa China.
Sinabi ng top government spokesman na si Yoshimasa Hayashi, “It is totally unacceptable and extremely regrettable that the South Korean opposition party leader landed on Takeshima despite repeated requests from Japan to refrain.”
Nitong Lunes, ay binisita ni dating justice minister Cho Kuk ang maliit at mabatong Dokdo isles, na kilala bilang Takeshima sa Japan.
Kontrolado ng Seoul ang mga isla sa silangang baybayin nito mula noong 1945, nang matapos ang kolonyal na pamumuno ng Tokyo sa Korean peninsula, ngunit sinabi ng Japan na ilegal ang pag-okupa rito.
Ayon kay Hatashi, “Japan ‘lodged a strong protest against South Korea’ through diplomatic routes.”
Inaasahang magaganap ang isang trilateral summit sa pagitan ng Japan, South Korea at China sa mga huling bahagi ng Mayo sa South Korea, ngunit hindi pa ina-anunsiyo ang petsa para rito.
Si Cho ay inaasahang tatakbo sa pagkapangulo, bago binalot ng eskandalo ang kaniyang pamilya, kaugnay ng 2019 ‘academic admissions.’
Sa kaniyang post sa social media account ng bagong itinatag niyang partido na Rebuilding Korea ay sinabi ni Cho, “Japan’s claim to sovereignty over Dokdo is an assertion that Japan’s horrific wartime crimes, including invasion and war, massacres and plunder, torture and imprisonment of independence fighters, forced labour, and mobilisation of comfort women, were justified.”
Noong Enero ay naghain ang Seoul ng isang ‘mabagsik’ na protesta, matapos isama ng Tokyo sa inilabas nitong tsunami advisory ang nabanggit na pinagtatalunang isla, pagkatapos ng isang malaking lindol.