Pinababang rate ng taripa sa baboy at iba pa, pinanatili ng NEDA

Photo c/o eaglenews.ph

Pinapanatili ng National Economic Development Authority (NEDA) Board, ang pinababang tariff rates sa baboy, mais at mechanically-deboned meat.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Presidential Communications Office (PCO), na sa ilalim ng bagong Comprehensive Tariff Program para sa 2024 hanggang 2028 na inaprubahan noong June 3, pinamalagi rin ng board na pinamumunuan ni Pangulong Bongbong Marcos, ang tariff cover para sa agricultural products gaya ng asukal, sibuyas, broccoli, carrots, repolyo, letsugas, kamote, kamoteng kahoy, at coffee substitutes, complete feeds, at feed preparations.

Ang komprehensibong tariff review ay ginagawa ng gobyerno kada limang taon.

Sa pahayag ng PCO ay sinabi ng NEDA, na ang hakbang ay makatutulong upang ma-manage ang inflation, i-promote ang policy stability at investment planning, at palakasin ang food security.

Ayon kay NEDA Chief Arsenio Balisacan, bukod sa pagtiyak ng liberalisadong rehimen ng patakaran para sa dami ng pagkain upang makatulong na mapawi ang epekto ng commodity shocks at lokal na mga presyo, kinilala ng board ang pangangailangan na magpatupad ng pangmatagalan at permanenteng solusyon upang gawing moderno at mapabuti ang produktibidad ng agrikultura.

Aniya, ito ay susi sa pagtiyak ng isang komprehensibo at napananatiling tugon sa mga hadlang sa supply at inflation ng pagkain.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *