Team effort ng Celtics sa panalo nila sa game 2 ng NBA Finals, pinuri ng kanilang coach
Ang 105-98 victory ng Boston kontra Dallas sa game two ng NBA Finals, ang uri ng total team effort na inaasahan ng coach ng Celtics na si Joe Mazzulla, na magpapatahimik sa mga debate sa kung sino ang pinakamagaling na player ng koponan.
Sinabi ni Mazzulla, “I’m really tired of hearing about one guy or this guy or that guy and everybody trying to make it out to be anything other than Celtic basketball. Everybody that stepped on that court today made winning plays on both ends of the floor.”
Marami ang nagtaas ng kilay nang sabihin ng coach ng Mavericks na si Jason Kidd sa mga mamamahayag, na si Jaylen Brown ang “pinakamahusay” sa Boston, sa isang pahayag na sa wari ng marami ay isang pagtatangka para magkaroon ng tensiyon sa kampo ng Celtics, partikular sa pagitan ni Brown at ng five-time All-Star na si Jayson Tatum.
Kapwa isinantabi ni Brown at Tatum ang mga komento at kapwa rin sila nakapag-ambag ng malaki sa dalawang sunod na panalo ng Boston, ngunit marami pang dapat purihin.
Pinangunahan ni Jrue Holiday, na isang NBA champion nang kasama pa niya ang Milwaukee Bucks noong 2021, ang scoring ng Boston sa pamamagitan ng 26 points.
Si Kristaps Porzingis ay gumawa naman ng 12 puntos at solong nilampasan ang Mavs reserves na siyam lamang kung pagsasamahin.
Nagbuslo ng three-pointer si Payton Pritchard sa third-quarter buzzer para dalhin ang Celtics sa final quarter, habang hinabol naman ni Derrick White si P.J. Washington para harangin ito sa final minute.
Kuwento ni Brown, “We’ve got a lot of weapons on our team, so we’ve just got to trust what we’ve been doing all season long, trust our game plan. That trust is what carried the Celtics through a tough-shooting first half.”
Aniya, “We didn’t panic. We kept guarding, we stayed in the game and we kept trusting it and we made enough tonight to win the game.”
Sinabi naman ng Dallas star na si Kyrie Irving na dapat sisihin ang lahat ng miyembro ng Mavericks, bagama’t mabilis na itinuro ng Slovenian star na si Luka Doncic ang sarili na dahil sa kaniyang turnovers at hindi naibuslong free-throws kaya sila natalo, bagama’t nakagawa siya ng 32-point triple-double.
Ayon kay Irving na ang tinutukoy ay ang kaniyang high-profile teammate, “He’s in the right for wanting to single himself out. But this is a team game. He’s not alone and we’re going to tell him that.”
Dagdag pa niya, “He’s fresh off the court. He’s spilling into his emotions, feels like he could play better, just like me. It’s on all of us. I think the message right now is just get our bearings together.”