DOJ, inatasan ang NBI, BI na kasuhan at ipadeport ang mga dayuhan na dawit sa mga iligal na aktibidad ng POGO sa Pampanga
Pinaiimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) ang mga dayuhan na sangkot sa mga iligal na aktibidad sa POGO hub sa Porac, Pampanga.
Iniutos ni Justice Secretary Crispin Remulla sa NBI at BI na pangunahan ang paghabol sa mga mapatutunayang lumabag sa batas.
Nais ng DOJ na sampahan ng kaukulang kaso o kaya ay ipa-deport kaagad ang mga banyaga na lumabag sa Immigration Laws ng bansa.
Binalaan ng kagawaran ang mga dayuhan na sundin ang mga batas sa bansa kung hindi ay ipaghaharap sila ng mga kaso.
Hinimok naman ng DOJ ang mga testigo na magsalita para hindi masayang ang mga aksiyon ng mga awtoridad sa illegal POGOs.
Moira Encina