Singapore Airlines, nag-alok ng $10,000 sa mga pasaherong nasaktan sa turbulence
Sinabi ng Singapore Airlines, na nag-alok sila ng $10,000 kompensasyon sa mga pasaherong lulan ng flight na nagtamo ng minor injuries nang tamaan ito ng violent turbulence noong nakaraang buwan.
Isang 73-anyos na British man ang namatay at ilan pang mga pasahero at crew na lulan ng flight SQ321 galing London, ang nagtamo ng skull, brain at spine injuries dahil sa pagtama ng turbulence.
Ang Boeing 777-300ER na may lulang 211 mga pasahero at 18 crew, ay idinivert ng piloto nito sa Bangkok, kung saan ang mga nasaktan ay dinala sa mga ospital.
Sa isang pahayag ngayong Martes, ay sinabi ng airline na nagpadala na sila ng emails na nag-aalok ng US$10,000 bilang kompensasyon sa mga pasaherong nagtamo ng minor injuries sa pangyayari.
Ayon sa pahayag, “For those who sustained more serious injuries… we have invited them to discuss a compensation offer to meet each of their specific circumstances when they feel well and ready to do so.”
“Passengers medically assessed as having sustained serious injuries, requiring long-term medical care, and requesting financial assistance are offered an advance payment of US$25,000 to address their immediate needs. This will be part of the final compensation that these passengers will receive.”
Bukod dito, sinabi pa ng airline na ire-refund nila ang pamasahe ng lahat ng pasaherong lulan ng nasabing eroplano, kabilang na ang dalawang hindi nasaktan.
Batay sa pahayag, “All passengers will also receive delay compensation in accordance with the relevant European Union or United Kingdom regulations.”
Sa ilalim ng Montreal Convention, ang airlines ay may pananagutan para sa damages ng nasaktan o namatay na mga pasahero habang lulan ng isang eroplano.
Una nang nagbigay ang Singapore Airlines ng Sg$1,000 ($740) sa bawat pasaherong umalis na mula sa Bangkok patungo sa kanilang destinasyon upang punan ang kanilang agarang gastusin.
Binalikat na rin ng Singapore Airlines ang medical expenses ng nasaktang mga pasahero, at inasikaso ang paglipad ng mga miyembro ng pamilya ng mga ito papunta sa Bangkok nang ito ay hilingin sa kanila.
Sabi ng airline, “SIA remains committed to supporting the affected passengers who were on board SQ321.”
Ayon sa transport ministry ng Singapore, “A sudden 54-metre (177-foot) altitude drop caused unbelted passengers on the flight to be thrown violently inside the cabin.”
Banggit ang isang preliminary report ng Transport Safety Investigation Bureau (TSIB) ng Singapore, sinabi pa ng ministry “The aircraft experienced a “rapid change” in gravitational force, or G-force, while the plane was passing over the south of Myanmar.”
Ang investigation team ay kinabibilangan ng mga eksperto mula sa TSIB, US National Transportation Safety Board, US Federal Aviation Administration at ng Boeing na siyang manufacturer ng eroplano.