Baltimore shipping lane ganap nang nagbukas makaraan ang pagbagsak ng tulay
Ganap nang binuksan ang Baltimore shipping lane na mahigit dalawang buwang isinara makaraang bumangga ng isang cargo ship sa isang major bridge noong Marso, na naging sanhi ng pagbagsak ng tulay sa tubig.
Ayon sa pahayag ng Key Bridge Response Unified Command, “The US Army Corps of Engineers, along with Navy salvage divers, restored the channel to its original dimensions by removing about 50,000 tons of debris from the Patapsco River. The riverbed was certified as safe for transit on Monday.”
Sinabi ni Lieutenant General Scott Spellmon, commanding general ng Army Corps of Engineers, “We are proud of the unified efforts that fully reopened the Federal Channel to port operations. The partnerships that endured through this response made this pivotal mission successful.”
Noong Marso 26, nawalan ng kuryente ang Singapore-flagged M/V Dali at inararo nito ang isang support column ng Francis Scott Key Bridge, sanhi upang ito ay mag-collapse na ikinamatay ng anim na road workers na noon ay nagsasagawa ng potholes filling.
Ang 106,000-toneladang barko ay patungo sa Sri Lanka nang mangyari ang aksidente.
Sinabi ng US National Transportation Safety Board (NTSB), na nag-iimbestiga sa insidente kasama ng FBI, “The ship had two electricity blackouts in the moments before the disaster. The Dali was refloated last month and towed back into port.”
Ang port of Baltimore ay isa sa mga pinaka-abalang daungan ng America at isang pangunahing hub para sa industriya ng sasakyan.
Ang full reopening ng shipping channel ay magbibigay daan para sa two-way traffic.