Independence Day mega job fair sa Caloocan City, dinumog
Dinumog ng mga aplikante ang isinagawang Independence Day mega job fair sa lungsod ng Caloocan, na may temang “Kalayaan Kinabukasan, Kasaysayan.”
Tinatayang nasa 80 kompanya ang lumahok sa nasabing aktibidad.
Hindi lamang mga residente ng Caloocan ang nabigyan ng magandang opportunidad, maging ang mga karatig lungsod nito.
Photo: Manny de Luna
Ang naturang mega job fair ay pinangunahan ng tanggapan ng Public Employment Service Office, sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment
Kasabay din ng mega job fair ang one stop shop ng SSS, BIR, PAG IBIG at PSA.
Ilang aplikante naman ang pinalad na agad matanggap sa trabaho “on-the-spot.”
Photo: Manny de Luna
Layunin ng aktibidad na matulungan ang mga kababayan nating walang trabaho at magkaroon ng maayos na permanenteng pagkakakitaan.
Manny De luna