Colombia magpapakalat ng 12,000 security personnel upang bantayan ang Cali biodiversity meet

AFP

Nasa 12,000 security personnel ang ipakakalat ng Colombia, upang bantayan ang malaking UN Biodiversity meeting sa Cali na gaganapin sa Oktubre, sa gitna na rin ng sunod-sunod na nagaganap na guerilla violence sa rehiyon.

Sinabi ni deputy defense minister Daniela Gomez, na kabuuang 1,600 mga sundalo at 4,000 mga pulis ang ipadadala sa siyudad para samahan ang una nang idineploy na nasa 6,000 upang labanan ang mga gerilya na nasa likod ng sunod-sunod na mga pambobomba at gun attacks sa lugar.

Ang lungsod ng Cali, na nauugnay sa isang partikular na marahas na bahagi ng madugong drug conflict ng Colombia, ay nakatakdang pagdausan ng 16th meeting ng Conference of the Parties (COP16) of the Convention on Biological Diversity simula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 1.

Subali’t nagdudulot ng pangamba sa mga awtoridad ang kamakailan ay magkakasunod na mga pag-atake, na isinisisi sa Central General Staff (EMC) fighters, isang grupo sa pangkat ng FARC guerrilla army na lumagda ng isang peace deal sa gobyerno noong 2016.

Ang EMC ay tinatayang mayroong nasa 3,500 armed fighters na sangkot sa drug trade at illegal mining, gayundin sa pakikipagsagupa kapwa sa militar at criminal groups na kakompetensiya nila sa trafficking routes at teritoryo.

Noong isang buwan, sinabi ng mga opisyal na nagpaputok ang EMC militants at naghagis ng cylinder bombs sa isang istasyon ng pulis sa bayan ng Morales, may 100 kilometro (60 milya) mula sa Cali, na ikinamatay ng dalawang pulis at dalawang bilanggo sa isang itinuturing na “terrorist attack.”

Sa kaparehong araw nang pag-atake sa Morales, ay tatlong bata at isang civilian adult ang nasaktan nang isang motorsiklong puno ng mga eksplosibo ang sumabog sa kalapit na munisipalidad ng Jamundi.

Ayon kay Gomez, “We are very aware of the risks. Various operations have been carried out in recent months to prevent these threats from materializing. Nearly half the armed personnel will be deployed in the Cali urban area for the conference.”

Sinabi naman ni Ana Maria Sanclemente, secretary for security ng Valle del Cauca department kung saan partikular na aktibo ang EMC, “Military will carry out operations in the group’s ‘zones of influence’ ahead of the COP.”

Ang aktibidad ay inaasahang dadaluhan ng nasa 12,000 mga delegado at exhibitors mula sa iba’t ibang panig ng mundo, at maging ng mga pinuno ng estado.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *