Malaking cold storage na imbakan ng smuggled frozen goods sinalakay ng DA at BOC
Sinalakay ng magkasanib na puwersa ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC), ang isang malaking storage warehouse sa Barangay Tuklong sa Kawit, Cavite na pag-aari ng isang Filipino-Chinese.
Natagpuan sa loob ng cold storage ang sari-saring frozen food products na kinabibilangan ng karne ng baboy, baka, malalaking isda at mga sangkap sa shabu-shabu.
Sinabi ni DA spokesman Asst. Secretary Arnel de Msa, na naisagawa ang pagtukoy sa smuggled food products sa pamamagitan ng intelligence cooperation ng DA, BOC, t Phil. Coast Guard, matapos matukoy ang pinag-iimbakan ng mga kontrabando na galing sa mainland China at Hong Kong.
DA spokesman Asst. Secretary Arnel de Mesa
Ayon kay de Mesa, hindi dumaan sa tamang proseso ng food safety inspection ang nasabing imported food products, kaya hindi iyon ligtas na ibenta sa merkado para kainin ng tao.
Kaugnay nito ay naglabas ng babala ang DA sa illegal importers ng nabanggit na food products, na mahaharap sila sa kasong kriminal.
Vic Somintac