21 Pinoy seafarers ng MV Tutor dumating na sa NAIA

Dumating na ngayong Lunes ng umaga, June 17, ang 21 Pinoy seafarers na mga tripulante ng MV Tutor na nakaligtas sa pag-atake ng Houthi sa Red Sea.

Pasado alas onse ng umaga nang lumapag ang Golf Air GF 154 sa NAIA terminal 3, lulan ang 21 Pinoy seafarers.

DMW Secretary Hans Cacdac

Sinalubong sila ng ilang government officials sa pangunguna ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac.

Una nang isinailalim ng Department of Health (DOH) sa debriefing ang mga nabanggit na seafarer dahil dinanas na trauma, dahil sa pag-atake ng Houthi rebels sa MV Tutor kung saan sila sakay.

Pinagkalooban din sila ng tulong pinansiyal at pamasahe pauwi sa kan- kanilang probinsiya.

Archie Amado

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *