VP Sarah , nagbitiw bilang kalihim ng DepEd at Vice Chair ng NTF-ELCAC
Nagbitiw na sa pwesto bilang kalihim ng Department of Education at bilang Chairman ng NTF -ELCAC si Vice President Sara Duterte- Carpio.
Bukod dito , naghain rin ng resignation sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si VP Sara.
Hindi naman nagbigay ng pahayag ang bise presidente sa dahilan nang kaniyang pagbibitiw.
Gayunman sa kaniyang press conference sa Department of Education ay sinabi ng bise presidente na may isang buwan pa siyang mananatili sa DepEd upang matiyak ang maayos na paglilipat ng kaniyang tungkulin sa susunod na kalihim.
Inihayag pa ni VP Sara na bagamat hindi na siya tuwirang mamamahala sa DepEd ay patuloy pa rin niyang itataguyod ang kalidad ng edukasyon na nararapat para sa Pilipino.