Labingdalawa katao at kawan ng mga hayop patay sa wildfire sa Turkey
Labingdalawa katao ang namatay at mahigit 75 ang nasaktan, habang daan-daang mga hayop din ang namatay sa pananalasa ng isang malaking wildfire sa Kurdish southeast ng Turkey.
Nangitim ang malaking bahagi sa pagitan ng mga siyudad ng Diyarbakir at Mardin malapit sa border ng Turkey sa Syria, matapos tupukin ng apoy,
Sinabi ni Health Minister Fahrettin Koca, “12 people had died and 78 people suffered injuries and smoke inhalation, while five people were being treated in intensive care.”
Binatikos naman ng pro-Kurdish DEM party, na siyang nagwagi sa maraming munisipalidad sa timog-silangan sa lokal na halalan noong Marso, ang pagtugon ng gobyerno sa nangyari at sinabing huli na nga ay hindi pa epektibo.
Habang kumakalat ang sunog pagdating ng gabi, hinimok ng DEM ang gobyerno na magpadala ng water bombers, sa pagsasabing ang pag-apula sa apoy mula sa ground ay hindi sapat.
Ayon sa report, ang sunog ay nagsimula noong Huwebes at mabilis na kumalat at naging banta sa limang villages. Isang bagong sunog naman ang sumiklab noong Biyernes malapit sa village ng Ergani ngunit nakontrol na.
Isang AFP reporter sa Diyarbakir province ang nakakita ng humigit-kumulang 100 mga hayop na nakahandusay sa lupa at patay na sa village ng Koksalan.
Kuwento ng mga residente doon, humigt-kumulang sa kalahati ng kanilang kawan ng nasa 1,000 tupa at kambing ang nangamatay.
Kinumpirma ng isang lokal na beterinaryo na ayaw magpakilala ang nasabing pagkamatay ng mga hayop, at sinabing marami sa mga nakaligtas ay ginagamot na sa tinamo nilang mga paso.
Aniya, “We don’t have very clear information on how many animals have been affected. But at the moment, just under half of the survivors will have to be slaughtered because they can’t be saved.”
Ayon naman kay Seracettin Bedirhanoglu, isang miyembro ng opposition CHP party at lider ng eastern Van province, “It is unbearable. They are defenceless and helpless. In every big fire, they get hurt first. I ask my veterinarian brothers and sisters: please go to the fire zone because they need you.”
Residents of Koksalan village said around half of their 1,000-strong flock had perished in the overnight blaze / Mahmut BOZARSLAN / AFP
Samantala, isinisi ni Interior Minister Ali Yerlikaya ang sunog sa aniya’y “stubble burning” na nagsimula noong Huwebes at mabilis na kumalat dahil sa malakas na hangin.
Sinabi ni Justice Minister Yilmaz Tunc, na binuksan na ng public prosecutor’s office ang isang imbestigasyon tungkol sa naging sanhi ng sunog.
Ang Turkey ay dumanas na ng 74 wildfires ngayong taon, na tumupok sa 12,910 ektarya ng lupain, ayon sa European Forest Fire Information System (EFFIS).
Noong tag-araw ng 2021, dumanas ang Turkey ng malalaking wildfire na kumitil ng siyam na buhay at sumira sa malalaking bahagi ng kagubatan sa buong baybayin ng Mediterranean at Aegean.
Ang kalamidad ay nag-udyok ng isang pampulitikang krisis matapos na lumitaw na ang Turkey ay walang gumaganang mga eroplanong panlaban sa sunog.
Nagdulot ito ng pressure kay President Recep Tayyip Erdogan, na napilitang tumanggap ng international help.
Nagtulak din ito sa gobyerno upang isulong ang ratipikasyon ng Turkey sa Paris Climate Accord. Ang Turkey ang huli sa Group of 20 ng major economies na nagratify.
Sinasabi ng mga eksperto na ang pagbabago ng klima na gawa ng tao, nagdudulot ng mas madalas at mas matinding wildfire at iba pang natural na sakuna at binalaan ang Turkey na gumawa ng mga hakbang upang matugunan ang problema.