Rehearsal ng Paris Oylmpics opening ceremony ipinagpaliban dahil sa malakas na daloy ng tubig sa Seine river
Ipinagpaliban ang rehearsal para sa Paris Olympics opening ceremony na nakaplano para sa Lunes, dahil sa mabilis na agos ng tubig sa Seine river.
Sinabi ng city authorities at Olympics organisers, “After several weeks of rainy weather, the Seine is currently flowing at a level five times stronger than its normal summer reading, meaning it would be impossible to ‘draw the most relevant lessons’ from a rehearsal on Monday.”
Ang rehearsal ay magtatampok sa humigit-kumulang 90 barge na gagamitin sa transportasyon ng mga koponan sa kanilang parada pababa sa ilog sa seremonya sa Hulyo 26.
Ang Paris 2024 ang unang Olympics sa kasaysayan na ang opening ceremony ay hindi gagawin sa kaniyang traditional setting sa main Games stadium.
Ang kamakailan ay malakas na pag-ulan sa kabisera ng France ay hindi rin magandang balita para sa mga pagsisikap na itaas ang kalidad ng tubig sa Seine sa mga antas na kinakailangan, upang maisagawa ang triathlon at open-water swimming events sa Olympics.
Ayon sa pahayag ng Paris town hall, “The ‘very rainy weather’ had caused ‘the strong flow of the river,’ which does not help to produce a good water quality.”
Lumitaw sa mga resulta ng analysis nitong Biyernes, na masyadong marumi ang Seine nang suriin noong Hunyo 16 para payagan na doon gawin ang Olympic triathlon at open-water swimming events.
Ayon sa mga graph na naipost online, halos araw-araw mula June 10 hanggang June 16, ang lebel ng konsentrasyon ng fecal E. Coli bacteria ay mas mataas kaysa 1,000 colony-forming units, na siyang required threshold na ginagamit ng international triathlon at swimming federations.
Sinabi ni Paris region prefect Marc Guillaume, “Samples from the Seine do not meet the standards we will have this summer for the river, when the Olympic Games held from July 26 to August 11.”