Mga pulis at isang pari patay sa pag-atake ng gunmen sa Russia
Anim na pulis, isang pari at isang miyembro ng national guard ang namatay sa pag-atake ng gunmen sa mga sinagoga at mga simbahan sa North Caucasus region ng Dagestan.
Nangyari ang pag-atake nitong Linggo, sa pinakamalaking siyudad ng Makhachkala sa Dagestan at sa coastal city ng Derbent.
Sinabi ng Investigative Committee ng Russia na binuksan na nila ang criminal investigation kaugnay ng “acts of terror,” habang patuloy ang pagtugis sa gunmen.
Sa ulat ng TASS state news agency, nakarinig ang mga saksi ng barilan malapit sa isang simbahan sa Makhachkala habang may nagaganap ding pamamaril sa Derbent. Sinabi ng interior ministry ng Dagestan na dalawa sa gunmen ang napatay sa Makhachkala.
Isang religious holiday kahapon, Linggo sa Russian Orthodox Church na tinatawag na Pentecost Sunday. Ang Dagestan ay isang malaking Muslim region ng Russia, katabi ng Chechnya.
Sa isang pahayag sa RIA Novosti news agency ay sinabi ng National Antiterrorism Committee, “This evening in the cities of Derbent and Makhachkala armed attacks were carried out on two Orthodox churches, a synagogue and a police check-point. As a result of the terrorist attacks, according to preliminary information, a priest from the Russian Orthodox Church and police officers were killed.”
Sinabi ng tagapagsalita para sa interior ministry ng Dagestan na si Gatana Gariyeva, “In all, six police officers had been killed and another 12 wounded in the attacks.”
Ayon naman sa National Guard ng Russia, isa sa kanilang mga tauhan ang namatay sa Derbent at ilan din ang nasugatan.
Sinabi ng RGVK broadcaster na ang 66-anyos na paring namatay sa Derbent ay nakilalang si Nikolai Kotelnikov, na 40 taon nang nakadestino sa lugar.
Sa kaniyang post sa Telegram ay sinabi ng chairman ng public council ng Federation of Jewish Communities sa Russia na si Boruch Gorin, “The synagogue in Derbent is on fire. It has not been possible to extinguish the fire. Two are killed, a policeman and a security guard. The synagogue in Makhachkala has also been set on fire and burnt down.”
Ayon pa sa post ni Gorin, “In Derbent, firefighters had been told to leave the burning synagogue because of the risk that ‘terrorists remained inside’ There is shooting in the streets around the synagogue.”
Sa kaniya ring Telegram post ay sinabi ng lider ng Dagestan na si Sergei Melikov, “This evening in Derbent and Makhachkala unknown (attackers) made attempts to destabilise the situation in society. They were confronted by Dagestani police officers.”
Sinabi ng FSB security service ng Russia, na noong Abril ay inaresto nila ang apat katao sa Dagestan sa hinalang pinlano ng mga ito ang pag-atake sa Crocus City Hall concert venue sa Moscow noong Marso, na inaangkin ng Islamic State.
Napag-alam na ang mga militante mula Dagestan ay bumiyahe upang sumama sa Islamic State group sa Syria.
Noong 2015, idineklara ng grupo na nakapagtatag sila ng isang “branch” sa North Caucasus.
Ang Dagestan ay nasa silangan ng Chechnya kung saan nakipaglaban ang Russian authorities sa mga separatista sa dalawang matinding giyera, una ay noong 1994-1996 at sumunod ay noong 1999-2000.
Pagkatapos matalo ang Chechen insurgents, naging pamalagian na ang hidwaan ng Russian authorities at Islamist militants mula sa magkabilang panig ng North Caucasus na ikinamatay na ng maraming mga sibilyan at pulis.