China ‘walang karapatang parusahan’ ang mga Taiwanese – Taiwan leader
Sinabi ni Taiwanese President Lai Ching-te na ang China ay “walang karapatang parusahan” ang mga mamamayan ng Taiwan para sa kanilang mga pananaw o adbokasiya, makaraang magbabala ng Beijing na ang “diehard” supporters para sa pagsasarili ng isla ay maaaring maharap sa death penalty.
Noong Biyernes, nagpalabas ang Beijing ng bagong judicial guidelines na kinabibilangan ng death penalty para sa “partikular na seryosong” mga kaso na kinasasangkutan ng “diehard” supporters ng Taiwanese independence.
Nang hingan ng komento tungkol sa guidelines ay sinabi ni Lai, “I want to emphasise that democracy is not the source of crime. Autocracy is the crime. China has no right to punish the people of Taiwan just because of what they advocate. China has no right to pursue cross-border prosecution of Taiwanese people.”
Babala pa ni Lai, “Relations between the two sides would become “more and more alienated” if China does not “face up to the existence of the Republic of China (Taiwan’s official name), and conduct exchanges and dialogues with Taiwan’s democratically elected and legitimate government.”
Dagdag pa niya, “This is the correct way to enhance the well-being of people on both sides of the Taiwan Strait.”
Matagal nang iginigiit ng Democratic Progressive Party ni Lai ang soberanya ng Taiwan, at ang Beijing ay hindi na nagkaroon ng top-level communications sa Taipei mula noong 2016, nang ang kanyang hinalinhan na si Tsai Ing-wen ay naluklok sa kapangyarihan.
Si Lai ay binansagan ng China na isang “dangerous separatist” at tinuligsa ang kaniyang inaugural speech bilang isang “pagbubulgar ng pagsasarili ng Taiwan.”
Sa nabanggit na talumpati, ay ipinahiwatig ni Lai ang pagiging bukas sa pagpapatuloy ng pakikipag-usap sa Beijing, na nananawagan para sa magkabilang panig na magkaroon ng palitan.
Gayunman, lumilitaw na tinatanggihan ito ng China.
Sa halip ay pinamalagi ng China ang halos araw-araw na presensiya ng naval vessels at warplanes sa paligid ng isla, at sinabi ng Taiwan military na ngayong Lunes, ay 23 Chinese warplanes at pitong naval vessels ang na-detect sa nakalipas na 24-oras.