8 karate kids wagi sa karate tournament sa Samar
Walong manlalaro ng Kyokushin Karate mula sa Cagayan ang nag-uwi ng kampeonato sa katatapos na 19th National Full Contact Kyokushin Karate Tournament na ginanap sa Dolores, Eastern Samar.
Dinaig ng karate kids mula sa Tuguegarao City sa Cagayan ang mga atleta sa iba’t ibang kategorya sa nasabing torneo.
Courtesy: Cagayan PIO
Bukod sa lungsod ng Tuguegarao, ay nakapag-uwi rin ng kampeonato para sa Senior Division ang atleta mula sa Alcala Cagayan, gayundin ang mga kinatawang manlalaro ng bayan ng Solana.
Ang Kyokushin ay isang uri ng karate mula sa Japan, na may full-contact style ng stand-up fighting.
Courtesy: Cagayan PIO
Ang Kyokushin karate ay pina-practice ng mga Japanese upang magkaroon ang mga ito ng disiplina sa sarili, self-improvement, at hard training.
Aldrin Puno