Volcanic eruption sa Iceland natapos na makaraan ang 24 na araw
Natapos na ang volcanic eruption sa Reykjanes peninsula sa south western Iceland, makaraan ang 24 na araw ng aktibidad ayon sa Icelandic authorities.
Sa pahayag ng Icelandic Meteorological Office (IMO), “Since June 22, ‘no activity has been seen in the crater,’ where in late May orange lava fountains burst out north of the fishing town of Grindavik.”
Ito na ang ika-limang pagsabog na nangyari sa lugar sa loob ng anim na buwan, na nangyari halos tatlong linggo makaraang matapos ang nauna na ‘ongoing’ na mula pa noong March 16.
Karamihan sa apat na libong mga residente ng Grindavik ay inilikas na noong Nobyembre, bago ang December eruption pagkatapos ay dumaloy ang lava sa mga kalsada ng bayan pagdating Enero, at nilamon ang tatlong bahay.
Hindi pa nakaranas ng volcanic eruption ang Reykjanes peninsula sa loob ng walong siglo hanggang sa mangyari ang March 2021 eruption.
May dagdag pang mga pagsabog na nangyari noong August 2022 at July at December 2023, na nagtulak sa mga volcanologist na magbabala at magsabi, “na isang bagong panahon ng seismic activity ang nagsimula na sa rehiyon.”
Ang Iceland ay tahanan ng 33 aktibong volcano systems, ang pinakamarami sa buong Europa.
Nakasaklang ito sa Mid-Atlantic Ridge, isang bitak sa ocean floor na naghihiwalay sa Euroasian at North American tectonic plates.