EO 62 na nagbababa sa taripa ng imported na bigas sa 15%, kinuwestiyon sa Korte Suprema
Dumulog sa Korte Suprema ang iba’t ibang grupo ng magsasaka at agricultural groups para hilingin na ipatigil ang implementasyon ng Executive Order 62 ng Malacañang na nagbababa sa taripa ng imported na bigas at iba pang produkto.
Ito ay sa pamamagitan ng mahigit 20-pahinang petition for certiorari and prohibition.
EO 62 Petitioners
Ayon sa petitioners, iligal at unconstitutional ang EO 62 dahil hindi ito dumaan sa konsultasyon at pagdinig na inoobliga sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act.
Iginiit ng petitioners na hindi solusyon ang pagtapyas sa taripa ng imported rice sa 15% para bumaba ng presyo ng bigas sa lokal na merkado.
Katunayan sa mga nakalipas na taon anila ay nagresulta ang mas mababang taripa para tumaas ang presyo ng bigas, baboy at manok.
EO 62 Petitioners
Nababahala pa ang mga grupo na magdudulot ito para mas kumaunti ang mga magsasaka ng palay at mabawasan ang lokal na produksyon dahil malulugi ang mga ito.
Kaugnay nito, hiniling ng petitioners sa SC na ipawalang-bisa at ideklarang labag sa Saligang Batas at mag-isyu ng TRO laban sa EO 62.
Moira Encina-Cruz